Abante Tonite Interactive

Mga nasawing pulis sa misencounter sa Leyte ginawaran ng Order of Lapu-Lapu

By
601

Personal na ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anim na pulis na nasawi sa misencounter ng Order of Lapu-Lapu rank of Kalasag, na ginanap sa Camp Ruperto Kangleon, Palo, Leyte.

Sa kanyang pagdalaw, hindi maitago ng pamilya ng mga nasa­wing pulis ang kalungkutan at hiniling sa Pa­ngulo na tulungan silang mabigyan ng hustisya ang sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

Kabilang sa mga opisyal na kasama ng Pangulo ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at mga hepe ng Philipppine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Naunang inihayag ng Pangulo na isasama niya sa pagdalaw sa mga nasawing pulis ang tropa ng Philippine Army na nakasagupa ng mga ito.

Kabilang sa mga nasawing pulis sa misencounter ay sina PO1 Julie Escalo, PO1 Phil Jay rey Mendigo, PO1 Rowel Reyes, PO1 Julius Suarez, PO1 Windell Noromor at PO1 Edwin Ebrado.

Binisita rin ng Pa­ngulo ang siyam na iba pang pulis na nasugatan sa insidente. (Aileen Taliping)