Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga naulila sa plane crash tig-P600K ayuda – AFP

0 86

Tatanggap ng mahigit P600,000 tulong pinansiyal at iba pang benepisyo ang mga pamilya ng 49 sundalong namatay sa bumagsak na C-130 noong Huyo 4 sa Patikul, Sulu, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang mga pamilya ng mga namatayan ay tatanggap mula sa Command Special Financial Assistance base sa base pay, hazard pay at bonus; isang funeral service support na nagkakahalaga ng P80,000; at monthly pension na nakabase sa ranggo at tagal sa serbisyo.

Tatanggap din ang mga benepisyaryo ng P500,000 sa ilalim ng Office of the President Comprehensive Social Benefits Program.

Magkakaron din sila ng shelter, health, education, at employment assistance.

Napaulat ding magbibigay ng cash advance release na pinoproseso na ng Armed Forces and Police Mutual Benefits Association, Inc. (AFPMBAI) para sa mga pamilya ng mga namatay.

Bukod sa mga ito, sinabi ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan na magbibigay din sila ng P30,000 sa mga namatayan.

“No amount can ever replace the lives of our brave comrades who paid the ultimate sacrifice in line of their duty to protect our people and the state. Extending financial assistance to their families and loved ones is the least that we can do for the invaluable services they have rendered to our country,” sinabi ni AFP Chief Gen. Cirilito Sobejana.

Sa ngayon, nasa 20 na sa 49 nasawing sundalo ang nakilala ng AFP. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.