Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga NCR mayor handa sa COVID alert 2

0 176

Handa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at maging ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) sakaling mapababa pa ang antas ng alerto sa COVID-19 sa rehiyon sa level 2 sa Nobyembre.

Ayon kay Interior Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ito ay kasunod na rin nang patuloy na pagbaba pa ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon at buong Pilipinas nitong mga nakalipas na araw.

“Yes, handang-handa po ang DILG. Handang-handa din po ang ating mga mayors sa National Capital Region,” ayon kay Malaya sa Laging Handa briefing nitong Miyerkoles.

Idinagdag rin ni Malaya na batid na ng NCR mayors ang mga adjustments na isasagawa pagdating sa additional capa­city sa mga pinapayagang establisimyento.

Kaugnay nito, tiniyak rin ni Malaya sa publiko na ang implementasyon ng alert level 2 ay magiging matagumpay, sakaling tuluyan na itong maaprubahan.

Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng alert level 3 simula Oktubre 16 hanggang 31. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.