Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga NCR resto worker balik-trabaho na sa Sept 16

0 41

Balik-trabaho simula sa Huwebes, Setyembre 16, 2021 ang mga nagtatrabaho sa mga restaurant, karinderya at mga kainan sa Metro Manila sa pagsisimula ng alert level system na klasipikasyon kontra COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa pagsisimula ng pilot implementation ng bagong sistema ay nasa alert level #4 ang Metro Manila.

Sa ilalim ng alert level #4, pinapayagan ang al-fresco at indoor dining basta masigurong kumpleto na ang bakuna ng mga manggagawa at mga empleyado.

Papayagan ang hanggang 30% capaci­ty sa al-fresco dining para sa mga bakunado at hindi bakunado; 10% indoor dining naman para sa mga ganap na bakunadong customers.

Pinapayagan na rin ang pagbubukas ng health care services gaya ng barbershop, salon at nail spa ng hanggang 30 capacity kung outdoor ito gagawin, bakunado man o hindi ang customer, habang 10% capacity lamang kapag indoor ito kailangan kumpleto ang bakuna ng customer at ng manggagawa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.