Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga negosyante kabado sa tumal ng booster shot

0 185

Nababahala ang sektor ng mga negosyante sa mababang resulta ng mga nagpapa-booster shot na posibleng magdulot umano ng panibagong pagsirit ng COVID-19 at humantong uli sa lockdown.

Sa Laging Handa public briefing kahapon, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na problema nila ang mga hindi pa nagpapaturok ng booster dahil baka pagmulan ito ng panibagong COVID sirit at masira ang pagbubukas ng ekonomiya.

“Walang problema sa mga [worker] namin, kasi talagang na-enforce namin at we gave them some incentives. So, talagang halos 100%. Pero dito sa public sector, iyon ang medyo malaki ang concern natin kasi hindi puwedeng mag-lockdown tayo uli. Kasi, talagang baka mawala iyong momentum,” ani Concepcion.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inilahad din ni Concepcion na posibleng hindi pa mailarga ang `new normal’ sa Abril dahil sa tumal ng ma nagpapa-booster shot.

Hangga’t hindi aniya naaabot ang target sa booster shoot ay malabong makapagdeklara ng alert level zero.

“Hindi ngayon ang posibleng surge, baka ang posibleng surge ay nasa second half tayo. Kailangan kunin na `yong boosters kasi `yong iba diyan mag-e-expire na sa June, so two and a half months na lang tayo dito,” wika pa ni Concepcion. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.