Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga negosyante sa Paranaque pinaalalahanan sa buwis

0 295

Pinaalalahanan ng Paranaque City government ang mga negosyante sa lungsod na mayroon sila hanggang sa katapusan ng Hulyo para magbayad ng kanilang business tax at iba pang mga bayarin.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, ang deadline sa pagbabayad ng buwis sa negosyo ay dapat noong Abril 20 ngunit nagpasya silang palawigin ito upang matulungan ang mga na negosyante na lubos na tinamaan ng krisis na dala na coronavirus.

Dahil pinalawig ito ng tatlong buwan, inaasahan ni Olivarez na ang lahat ng mga may-ari ng negosyo sa lungsod ay tutupad sa kanilang mga obligasyon sa buwis sa negosyo para hindi patawan ng parusa at surcharge.

Saklaw nito ang lahat ng mga uri ng mga nakarehistrong negosyo, kung iisang pagmamay-ari, pakikipagsosyo, korporasyon o kooperatiba. Ang mga negosyo ay dapat magkaroon ng kamalayan na ang batayan ng lokal na buwis sa negosyo ay gross sales / resibo ng nakaraang taon.

Sinabi ni Business Permit and License Office chief Melanie Soriano-Malaya na ang ibinigay na petsa ay wala nang ekstensyon kahit pa pansamantalang isinara nitong Lunes hanggang Miyerkules ang tanggapan upang bigyan-daaan ang paglilinis at disinfection laban sa COVID-19.

Mas madali na umano sa mga negosyante na magbayad ng kanilang buwis at iba pang mga obligasyon nang hindi kailangang pumunta sa city hall sa pamamagitan nang inilunsad na `all-in-one’ gamit ang online technology sa pagbibigay ng serbisyo para sa pick-up, pagproseso, at paghahatid ng mga permit at lisensya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.