Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga negosyo buksan sa 50% na mga bakunado

0 97

Kinalampag ng business sector ang gobyerno na buksan na ang ekonomiya ngayong pababana ang COVID cases sa bansa para makabawisa pagkalugi at makapagpatuloy ng negosyosa susunod na taon.

Sa Laging Handa press briefing, ipinaabotni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion saMalacañang ang mensahe ng mga negosyante nakailangang magbukas na ng ekonomiya nga­yonghuling quarter ng 2020 para makabangonhanggang sa pagsampa ng 2022.

Marami aniyang bayarin ang mga negosyantengayong holiday season gaya ng 13th month pay ng kanilang mga empleyado, mga utang sabangko at suppliers at ang nakatakdangbabayarang buwis sa gobyerno kaya mahalagang magbukas na ang ekonomiya.

SM food to go Banner Ad

Mula sa 30% capacity, hiniling din nito sagobyerno na itaas ng hanggang 50% angbuksan sa publiko subalit para lamang samga fully vaccinated na mga indibidwal.

“Ang objective dito is that only the fully vaccinated are the ones allowed greater mobility in these high-risk business establishments. Puwede namang lumabas ‘yungunvaccinated sa malls pero sa mga lugar nadetermined as high risk business establishments like restaurants, they have to be vaccinated first,” dagdag ni Concepcion. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.