Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga negosyo ni Scottie babawi

0 94

KASABAY ng pagluwag ng quarantine restriction sa bansa, dahan-dahan na ring binubuhay ni Ginebra guard Scottie Thompson ang mga negosyong nahinto dahil sa COVID-19 pandemic.

“Although Acts of God naman itong mga nangyayari, ‘yung mga negosyo natin lugi rin naman,” pag-amin ng 6-foot-1 cager.

Bukod kasi sa pagbabasketball ay may Negosyo itong barbershop, gym at milktea shop.

“’Yung mga branches ko ng gym na-close ko muna dahil walang kita. At siyempre, ‘yung mga empleyado kailangan mo ring bigyan ng separation pay,” aniya.

Dahil sa insidente’y aminado itong malaki ang kanyang isinakripisyo.

“So malaking sacrifice talaga para sa amin,” dagdag pa nito.

Inaasahan naman ni Scottie na sa kabila ng pagkalugi ay makakabangon itong muli. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.