Abante Tonite Interactive

Mga negosyong magbubukas sa Taytay hihigpitan sa protocol

0 286

Mas mahigpit na pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) ang paiiralin sa bayan ng Tayta, Rizal para sa lahat ng negosyo na maari nang magbukas.

Ayon kay Taytay Mayor Joric Gacula, nauna na niyang pinulong ang mga may-ari ng iba’t ibang kompanya na paiiralin ang mas mahigpit na mga alituntunin para sa GCQ, kabilang na ang regular na pagsusuot ng facemask, social distancing na kailangang magkaroon ng pila, may naga-asist sa mga customer, at mayroong security guard sa bawat pintuan para mag-check ng temperature ng bawat papasok at patuloy pa rin ang pag-check sa mga dalang bag para masiguro na ang kaligtasan ng lahat.

“Hindi tayo maaring mag-relax, dahil anumang oras ay nagbabadya ang tinatawag na second wave,” ayon kay Taytay Mayor Gacula.

Sinabi pa ng alkalde, na mahigpit ang kanilang pagpapatupad sa mga batas. Lahat umano ng kompanya ay binigyan nila ng kopya ng rules. Nakapaloob sa nasabing alituntunin na hindi pwedeng nagkakasalu-salubong ang mga tao, partikular sa mga mall, supermarket at grocery store. Kinakailangang nasa 2 square meters ang pagitan ng pila. Ibig sabihin lang na may tamang capacity lang, kailangang may waiting area at may pila na may mga marka.

Nasa 56 ang confirmed case ng COVID-19 sa Taytay habang nasa 25 naman ang naka-recover na. (Vick Aquino)

Tonite – Wendys Inhouse Ad