Abante Tonite Interactive

Mga nene panis kina Ina, Giselle

567

Kahit nasa edad 40s na, ayaw pa ring pakabog sa mga millennial ang magkaibigang sina Ina Raymundo at Giselle Sanchez.

Naka-post sa Instagram ni Ina ang bikini shot nila ng kanyang kumareng si Giselle. Suot nila ay isang super skimpy one piece bathing suit.

Nagkalabasan ng kani-kanilang mga angas sa kaseksihan ang dalawang magkaibigang ito. Marahil, gustong ipangalandakan ng dalawa na kahit sinong mga millennial bikini babe ang su­mabay sa kanila ay puwede nila itong kabugin.

Siyempre, sa edad nga naman nila, parang imposibleng magkaroon pa sila ng vavavoom figure.

Si Ina na may apat na anak at si Giselle ay biniyayaan ng dalawa.

Mapapakamot-ulo ang sinumang makakaalam ng personal details ng dalawa na nabanggit sa itaas dahil wala sa itsura nila na sila’y mga mommies ng mga nagdadalaga nilang mga panganay.

Kumbaga, sina Ina at Giselle ay talaga namang malutong pa rin ang pagkakaasim ng kanilang mga alindog.

Kaya nga hinahangaan, ins­pirasyon at kinaiinggitan ng kanilang mga tagahanga dahil sa pag-aalaga nila sa kani-kanilang mga figure. (Rey Pumaloy)