Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga netizen binoldyak ng Bulacan PNP sa mga `nawawala’

0 119

Pinayapa ng pulisya ang mga taga-Bulacan kaugnay sa kumakalat sa social media na pangalan ng ilang dalagita na ‘nawawala.’

Nag-trending sa Twitter ang lalawigan dahil sa umano’y nawawalang mga Bulakenya.

Base sa mga kumakalat na Facebook post, apat ang mga babaeng nawawala, kasama na ang natagpuang patay sa sapa na si Princess Dianne Dayor, 24. Gayunman, pinawi ng Bulacan police ang pangamba ng publiko.

“[‘Yong] 2 diyan, simply hindi nagpaalam. May umalis, nakipag-party, nakipag-swimming ‘yong dalawa. Then after a day or two, bumalik,” saad ni Bulacan police chief Col. Charlie Cabradilla.

SM food to go Banner Ad

“Isang minor naman reported na alleged missing noong nakaraang araw. Nalaman din ng ating imbestigador na ito ay hindi naman missing kundi naglayas… after mapagalitan ng magulang. And mayroon din siyang ate na naunang naglayas, apparently sumama doon,” paliwanag pa niya.

Dahil dito, humiling si Cabradilla sa mga netizen na maging responsable sa mga pinapakalat sa social media.

Inaasahang palalakasin ng Bulacan PNP ang police visibility at pagpapatrulya sa lugar na madidilim sa Bulacan upang hindi na maulit pa ang pagdukot kay Dayor. (MJD/Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.