Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga netizen bulabog kina Laure, Carino

0 127

Iba’t iba ang reaksyon ng mga netizen sa social media matapos isiwalat nina University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball star Ennajie ‘EJ Laure ng University of Santo Tomas Golden Tigresses at anak nila ni actor-dancer Rogel Kyle ‘Bugoy’ Cariño Jr.

Binati ng 23-anyos at may taas na 5-9 sa kaarawan ng kanyang partner 18-taong gulang at 5-3 sa Twitter, pinakilala ang kanilang baby girl na si Scarlet.

“Happy birthday, Mahal. Thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby Scarlet! We love you so much, daddy! @iambugoy_carino” tweet ni Laure na kinatwiran noong 2018 ang ‘di paglalaro sa Uste’y dahilan ng injury at ‘di ang pagdadalantao.

May mga bumatikos at nagtanggol sa sikat na balibolista.

Ani halfbloodprince (@badgetheexplor1) “Super deny in all levels biglang amin hahaha kaloka.”

“Happy & proud of you more @ennajielauree. You deserve a happy family w/ a cutie baby scarlet. May God continue to bless ur family,” anio Samant ni Snnyrub (2alevar23). (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.