Abante Tonite Interactive

Mga netizen ‘di aprub sa Pringle-Mercado swap

509

one-sided

Iba’t ibang reaksyon mula sa basketball fans ang naglutangan tapos ng trade, Martes, ni NorthPort scoring champ Stanley Pringle patungong Barangay Ginebra.

Biyaheng Gin Kings si Pringle kapalit nina Kevin Ferrer, Sol Mercado at Jervy Cruz.

Ayon kay FB user Jon Dela Cruz, lopsided trade ang ginawa ng 2 team at pagpayag ng liga. “Lopsided trade. PBA will never be the same again. MPBL naaaaaaaaa.”

Dagdag ni Allan Jubelag, “Ang tingnan nyo kasi kung ano magpa-balance ng lineup ng both teams, NorthPort need role player came from the bench, Ginebra need add.scoring from guard position, NorthPort magi-invest na sila kay Bolick future player kasi.”

Para kay Richelle Panuelos, kaya aniya lumubog ang PBA dahil sa mga lopsided na trade gaya nito.

Inamin ni Sol Mercado sa kanyang Twitter account na nasaktan siya sa pagkakasama sa trade.

“3 championships in 4 years isn’t too bad. I would be lying if I told you guys this doesn’t hurt but trust me, my heart is full,” ani Mercado. “I’m grateful and thankful for the opportunity I had to put on that jersey.”

Nagpasalamat din si Mercado sa mga taga-hanga ng Ginebra na nagbigay sa kanya ng mensahe tapos lumabas ang balita. Dinugtong niyang “Best Fans in the World” ang mga tagasunod ng Gin Kings.(Fergus Josue, Jr.)