Abante Tonite Interactive

Mga netizen hati sa ‘racist act’ ni Santos

480

Hati ang komento kay Arwind Santos sa tapos mag-post ng video tweet hinggil sa kanyang paghingi ng paumanhin sa ‘racist gesture’ kay TNT Import Terrence Jones nitong Miyekoles sa Game 5 ng PBA Commissioners Cup Finals.

Huwebes hanggang tanghali nagmatigas ang kapitan ng SMB sa pahayag na ‘di daw siya magso-sori. Pero nang makatanggap ng kabi-kabilang banat bago dumilim, lumambot na at tuluyang nag-sorry.

@MKevinzLeee: “Dati favorite kta nung bago bago ka plng mabait ka nun kasi walang wala kpa, nung nagkapera na yumabang na dati sa laro mo wala kang pake laro lng. Ngaun kayabangan mo na lgi.”

Hirit ng @kalvinDlRsrio: “Bakit para kang kuting ngayon? Hahahahaha. Akala ko ba hindi ka mag sosorry? Dapat sayo makatanggap din ng indefinitely suspension e.”

Pero marami mang galit, may mga umunawa at sumuporta San Miguel forward post siya ng ‘public apo­logy.’ (Aivan Denzel ­Episcope)