Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga netizen nagsabong sa Agot vs Jinkee

0 860

Kanya-kanyang opinyon ang mga netizen sa pagpuna ni Agot Isidro sa pagbibida ni Jinkee Pacquiao ng mga branded niyang bisikleta.

Hulyo 3 ipinost ni Jinkee sa kanyang Instagram ang kanyang mga Hermes at Louis Vuitton bicycle.

Pero palag ni Agot, dapat daw na maging sensitive si Jinkee sa panahon ngayon ng pandemya na maraming walang trabaho.

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam. Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang?” tweet ni Agot nitong Huwebes.

Pero mistulang dedma si Jinkee sa mga bumabatikos sa kanya.

Ilang oras matapos ang tweet ni Agot ay nag-post ang misis ni Manny ng larawan ng kanyang lemon water.

“2:33 pm Thursday,” maiksing caption ni Jinkee.

Ayon sa ilang netizen, walang masama sa ginawa ni Jinkee dahil nag-post lang naman daw ito at lahat ay entitled na mag-post o mag-express ng kanilang thoughts at opinions online, at inggit lang daw si Agot.

May iba na kumampi kay Agot at sinabing tama raw na maging sensitive dapat si Jinkee at hindi na dapat iniyayabang pa ang ganoong bagay lalo na’t marami na ang namamatay sa virus.

(IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.