Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga netizen nakiisa sa pa-siyam kay PNoy

0 74

Kahit pa online ay bumaha pa rin ang mga taga-suporta ni yumaong dating pangulo Benigno `Noynoy’ Aquino III sa kanyang pa-siyam nitong Biyernes, Hulyo 2.

Nakiisa ang mga netizen sa misa na pinangunahan ni Bishop Ambo David.

Sa misa ay nag-alay ng dasal ang pari para sa kaluluwa ng dating pangulo. Pagkatapos ng misa ay nagkaroon pa ng tribute at pag-alala ang mga kamag-anak ni PNoy para sa kanya.

“Thank you kuya Noy for all your sacrifices, for your determination to forge a better life for every Filipino,” mensahe ng kanyang nakababatang kapatid na si Viel Aquino Dee.

“Favorite son ka talaga… We love you best bro, thank you,” dagdag pa nito.

Si Viel din ang nagkuwento ng ilang magagandang alala kasama ang nakatatandang kapatid gayundin ang ilang pangyayari bago siya pumanaw.

Hunyo 24 pumanaw si PNoy sa edad na 61 dahil sa renal disease secondary to diabetes. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.