Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga netizen natauhan kay Gibo

0 505

Muling nabanggit ang pangalan ni dating Pangulong Benigno `Noynoy’ Aquino III kasunod ng mga usap-usapang pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-presidente.

Maraming netizen ang nagsisisi dahil binoto at sinuportahan umano nila si dating Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro noong 2010 presidential elections.

Ito’y matapos na magtungo si Teodoro sa Davao City para doon magpabakuna, at nakipagkita pa kay Mayor Sara.

Dito umugong ang posibilidad na tandem ng dalawa sa 2022 elections na pinalutang ni dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa social media, pinag-usapan ang pagkapanalo ni Noynoy noong 2010 at nakahinga ng maluwag ang mga netizen dahil nabigo si Gibo.

“I rooted for Gibo in 2010. I made a mistake then. d same way ayoko ko kay Pnoy nung una pero I realized gradually na OK naman pala sya compared kay Estrada, Arroyo, and Pduts,” ayon kay @maujasmin.

“Glad I saw this. Was planning to research on Gibo because rumors are saying he’s planning to run again. I used to like him (2010) and bet on him more than Pnoy but I wasn’t a voter yet,” sabi naman ni @iRAInman3000.

“I voted for him in 2010. Buti si Pnoy ang nanalo. Nakakadisappoint pala ito si Gibo,” saad ni @chiqui_salvador. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.