Abante Tonite Interactive

Mga netizen pabor mag-CBA si Calvin

0 526

babush!

‘Di lang astig kundi pang-international level na rin pala talaga ang kalibre ni basketball star Calvin Abueva ng Phoenix Pulse nang magkainteres ang isang koponan sa China Basketball Association (CBA) sa kanya.

Iniulat Lunes ng South China Morning Post ang naghihintay na 1-year, $1.8M (higit P90M) contract para sa Pinoy cager mula sa Beijing Ducks ng pangalawa sa pinamala­king basketball league sa mundo, sunod sa National Basketball Association ng Estados Unidos.

Abante Hiring – IT dep

Dumating ang nakakatukso at makatulo-laway na alok matapos suspendihin ng walang katiyakan ang balik sa Philippine Basketball Association matapos ang insidenteng pananapak kina TNT KaTropa import Terrence Jones, at pambabastos kay Maika Rivera, ang dyowa ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks Jr.

Gustong-gusto naman ng mga netizen ang pag­layas na sa unang play-for-pay hoop sa Asia.

“Grab the opportunity The Beast. Minsan lang ganyang offer na opportunity. Iwan mo na yung PBA na walang kwenta sistema. Ikaw lang bumubuhay sa PBA. Goodluck idol! God­bless,” reaksyon ni Jameson Hipolito.

Sinusugan siya ng isang Paulbright Amorsolo, “Grab na niya yun, dun pede ang mga hard foul, mild lang yung mga nagagawa ni Abueva sa PBA pagdating sa CBA kaya nagustuhan siya ng CBA mas exciting kasi sa mga intsik kapag bakbakan ang labanan.”

Hinirit ni Dhi Kreis N Cassey na kung forward sa PBA si Abueva, pihado aniyang point guard na ito sa liga ng mga higanteng Chinese.

“Grab it idol laki nyan at pangalawa sa popular na liga ng basketball yang CBA, tiyak aabangan at panonoorin namin ang laro mo diyan,” ani Jayson madera. (Abby Janiel Toralba)