Abante Tonite Interactive

Mga netizen piyesta sa ‘real life teleserye’

556

Ngayong binasag na pareho nina Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang pananahimik, ang mga tao na mismo ang bahalang maniwala kung sino sa tatlo ang nagsasabi ng totoo at hindi.

Pero hindi pa rin nawawala sa equation ang ex-boyfriend (of two years) ni Julia na si Joshua Garcia lalo’t may ibang taong labas sa kanilang apat ang nagsasalita at nakikisawsaw.

Sa mata at isipan ng marami, lumalabas na underdog sina Bea at Joshua habang sina Gerald at Julia naman ang nakakatanggap ng matinding batikos.

Sa pinakawalang maaanghang na salita ni Julia laban kay Bea, hindi rin malayong rumesbak si Bea.

Puwede ring hayaan na lamang niya itong sagutin ng kanyang mga tagapagtanggol and supporters.

Anumang paliwanag ang gawin ni Gerald ngayon, lumalabas pa rin siyang may kasalanan dahil basta na lamang niyang tinalikuran at iniwan sa ere si Bea nang walang closure sa kanilang relasyon. Sinubukan man niyang mag-reach out kay Bea later on, sobra na umanong nasaktan ang kanyang (dating) kasintahan.

May mga tagapagtanggol din sina Gerald at Julia ang nagsabi na deserve umano ni Bea ang nangyayari sa kanya ngayon dahil ginawa rin umano niya ito noon sa magkasintahan pa noon na sina Kim Chiu at Gerald at siya (Bea) ang lumabas na kontrobida sa break-up ng da­lawa kaya naging short-lived ang relasyon nila ni Gerald in 2010 pero muli silang nagkabalikan in 2016 nang gawin nila (Gerald and Bea) ang pelikulang “How to Be Yours”.

In the meantime, patuloy lamang nakaabang ang netizens at ang publiko sa magiging ending ng real life ‘teleserye’ nina Bea, Gerald at Julia.

Kit umaapaw ang biyaya

Mga tatlong taon ding nawala sa showbiz scene ang ex-PBB housemate-turned actor na si Kit Thompson. Nagdesisyon itong mag-aral sa New York Film Academy’s Acting for Film program sa Big Apple and took his Masters sa Susan Batson Studios, also in New York City, USA. Pero nang ito’y magbalik showbiz ay sunud-sunod naman ang kanyang TV and movie projects.

Magtatapos this Friday, August 9, ang primetime TV series na “Sino ang May Sala (Mea Culpa)” at ipapalabas naman for commercial release sa mga sinehan ang kanyang 2nd Cinemalaya movie na “Belle Douleur” (French term for “beautiful pain”) na pinagtatambalan nila ni Mylene Dizon.

Directorial debut naman ito ng ng lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso.

Ito’y co-produced ng Quantum Films (ni Atty. Joji) at iWant. Ang nasabing pelikula ay itinuturing na sexiest May-December love affair of the year.

Ang “Belle Douleur” ay mula sa panulat ni Therese Cayaba. Nang mabasa ni Atty. Joji ang script ay hindi niya ipinaubaya sa iba ang pamamahala ng pelikula kundi ito ang kanyang ginawang directorial debut sa kabila ng kanyang busy schedule bilang isang practicing lawyer at pagiging movie producer.

Atty. Joji is so proud sa kinalabasan ng “Belle Douleur” nina Mylene at Kit sa naging reception ng pelikula sa Cinemalaya. Showing na ito sa August 14.