Abante Tonite Interactive

Mga netizen saludo kay JV, Pirates na alpas sa Altas

173

Pagkalipas ng dikdikang Lyceum of the Philippines University at University of Perpetual Help, naging mainggay rin ang netizens sa pasiklab ang LPU Pirates sa clutch execution play sa huling segundo upang maitakbo ang 97-95 win Huwebes sa 95th National Collegiate Athletic Association men’s basketball tournament 1st round elims sa UPH Gym, Las Piñas.

Maraming namanghang netizen fan ng Intramuros-based team sa kumayod na sina Mike Nzeusseu at JV Marcelino na mga instrumento sa pagsosyo ng Lyce sa Colegio de San Juan de Letran sa third spot sa 5-1 at isalya ang biktima sa seventh sa 2-4.

“Nice win LPU Pirates. Great execution the last play. #NCAASeason95,” ani @poldoville:

Susog ni @Aaaanghel: “Grabe naman yung setup play #LPU #NCAASeason95.
Kahit na talo sa homecourt nila ang Perps pakita ng full support pa rin sila sa kanilang school ang mga gumamit ng socmed.

@DBanlaw: “Laban PERPETUAL! Bigyan ng magandang show ang mga PIRATA. FUEGO ALTAS! Live from OMAN. #FeartheALTAS #FearrtheHEIGHTS #NCAASeason95. (Aivan Denzel U. Episcope)