Abante Tonite Interactive

Mga netizen tinutukan ang salpukang Ateneo-La Salle

0 179

Inabangan ng mga netizen ang 82ND UAAP seniors basketball tournament 2019 first round elims rivalry match ng Ateneo Blue Eagles at La Salle Green Archers Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Tagumpay ang two-time defending champion na Blue Eagles nang wasakin ang Green Archers, 81-69, sa pamumuno nina Mike Nieto na may 18 points, 5 rebounds, 4 assist, at Matt Nieto na may 15 markers at 3 boards.

Tweet ni Romel Adrian (@romeladrian_21) “iba talaga pag ateneo at la salle ang naglalaro.”

“Grabe ‘tong La Salle v Ateneo. Parang kaya tumalo ng mga PBA teams eh” sabi ni Pabzzz (@Pablozey)

“La Salle has no reason to be ashamed with this loss. They look good. Love how the La Salle coaching staff responded to the Ateneo second quarter storm” punto naman ni Karlo Lovenia (@karlolovenia).

Sey ni Trebla (@orehcup) “Ateneo is just too good, too disciplined for De La Salle to handle. But huge upside for the latter with its retooled line up.”

“Ateneo is just too much for La Salle…….. too much freethrows” reaksyon naman ni beejayVP (@BjayPespitro17).

Katuwang sa panalo sina best player of the game Gian Mamuyac na may career-high 14 pts., 4 rebs. at tig-2 assists at steals, samantalang si Ange Kouame ay umiskor ng anim na puntos at 19 rebs. (Janiel Abby Toralba)