Abante Tonite Interactive

Mga netizen umiyak sa pagkasilat ng UP

222

Malungkot ang mga fan sa pagkabulaga ng UP Fighting Maroons kahapon sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 2019 stepladder semifinals Game 2 kontra Sto. Tomas Growling Tigers, 68-65, sa Mall of Asia Arena, Pasay.

Ibinuhos ng mga solid UP fan ang pagkadismaya sa social media.

Sabi ni @TSOLKS, “araw kasaket UP,” habang si @itsmeelaine, sinabing “UPMBT fell short. But still so proud of them. UP Fight pa rin!”

Super lungkot din si @itsYanivers, “walang tigil ang luha na lumalabas sa aking mga mata ngunit, hanggang dulo ang pagmamahal ko sa inyo walang magiiba sa inyo UP,” samantalang hurt naman si @leighxshay, “aray naman UP HAHAHAHAHA.”

Ganito rin ang sentimyento ni @kaelatiff, “UP made me cry..it was a very, very great game! We’ve come up short but we will come back stronger and better next season. Well done #UPFight.”

Panapos naman ni @aisvillaraza, “alat olats UP.” (Aivan Episcope)