Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga ni-rescue sa kidnap solido kay Lacson

0 210

“Makatao, matalino at may integridad.”

Ganito inilarawan ng mga naging biktima ng kidnap-for-ransom (KFR) syndicate si Partido Reporma presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson na siyang nagligtas sa kanilang buhay sa panahon ng pagsisilbi nito bilang pulis.

Sa pinakabagong episode ng “iPing” channel sa opisyal na Facebook at YouTube account ni Lacson, ikinuwento ni Ruiz Saez-Co ang naging karanasan niya sa kamay ng KFR group at kung paano siya tinulungan ng senador na naging lider ng anti-kidnapping task force noong dekada ’90.

“Makatao siya sobra. Hindi siya padalos-dalos. Down-to-earth at walang media coverage. Nag-offer ng (pabuya) ang father ko but they declined. He said, they were just doing their job. Kung hindi dahil sa inyo, wala ako ngayon. Maraming salamat, Sir Ping!” lahad ni Saez-Co.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Saan ka makakakita ng ganoong klaseng tao na siya talaga personally talagang ina-assist ka niya? Kidnap victim hindi lang naman ako eh, kahit siguro tanungin mo ‘yung ibang ni-rescue niya. Ang gusto ko lang sabihin, what kind of a person si Sir Ping. Yung integrity niya pagdating sa trabaho niya. At saka ‘yung tapat ba, talagang makatao siya, maka-Diyos,” sabi pa niya sa video.

Kung kaya’t nais niyang si Lacson ang manalong president dahil ito aniya ang may pinakamaraming nagawa kumpara sa ibang kandidato sa presidential election.

“Sa resume na lang, ‘yung resume ng mga kandidato. Sino ‘yung may pinakamaraming accomplishment? I really wish manalo siyang Presidente,” aniya pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.