Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Nilalang na Walang Mata

0 188

Mga ka-#Misteryo nakakita na ba kayo ng mga nilalang na walang mata? Isang karanasan ang ating tunghayan tungkol dito.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin natin ang Totoo!”

Karaniwan nang nasa astral world si Marie ng Cainta kapag siya ay natutulog. Ang astral world ay ang parallel reality ng ating mundo sa pisikal.

Bagaman karaniwan na napagkakamalan na panaginip lamang ang nakikita sa astral world pero may mga psychic na alam nila ang gagawin habang nasa kabilang dimensyon.

Sa karanasan ni Marie, nakita niya ang mga nilalang na may malalaking hugis ang mata pero wala siyang makitang hitsura ng mata sa loob dahil pawang Itim o madilim ang nakita niya.

Misteryo: “Paano mo nakita ang mga nilalang na yun? Saan nagsimula yung karanasan mo na yun?”

Marie: “Bigla na lang ako nasa gitna ng isang swimming pool at nakita ko marami nakapaikot sa aming dalawa ng boyfriend ko.”

Misteryo: “Swimming pool? Ano pa ang nakita mo? Lumalabas parang may pool party?”

Marie: “Yun ang catch dun kasi parang may ritwal sa hiwalay na bahagi ng pool at tila may inilulublob sa tubig na akala mo binibinyagan.”

Misteryo: “Para bang religious activity yun? Pero asan yung sinasabi mong mga nilalang?”

Marie: “Sila ang pasimuno ng gawaing yun. Sila yung nakapaikot sa animo’y binyagan sa tubig. Noong una hindi ko pa natitigan pero kalaunan nakita ko hitsura nila – hitsura silang tao pero malalaki ang mga mata na walang laman.”

Misteryo: “Paano yun. Wala ka ba talagang makitang mata nila?”

Marie: “Oo kasi blangko ang mga mata nila parang matinding dilim. Nangilabot pa ako nang sabihan ako na wag na lang daw ako lumaban sa halip kailangan din daw ako ilubog sa tubig.”

Misteryo: “So anong ginawa mo? Tumakas ka ba sa lugar na yun?”

Marie: “Hinatak ko boyfriend ko kailangan namin umalis agad iba pakiramdam ko, masama ang mangyayari pero biglang nasa paligid namin ang mga nilalang at sinabihan akong wag umalis pero tumakbo kami hanggang sa magising na ako.”

Maaaring alien o Extra-Terestriyal ang mga nilalang na nakita niya sa astral world. Pakiwari nga niya nasa loob sila ng spaceship nang matanaw niya na kalawakan ang kabila ng eternity pool.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan at misteryo. Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.