Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga non-pro league bahala IATF – Roque

0 37

Ibinahagi ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease (EID), na kailangan pang maghintay sa ilang guidelines bago magkabalik laro ang dalawang non-professional leagues, – Philippine SuperLiga (PSL) at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), na asam magbukas sa Subic, Zambales ngayong buwan.

Isiniwalat ni Presidential spokesperson Harry Roque Biyernes, na dapat munang hintayin ng dalawang liga ang opisyal na guidelines mula sa Department of Health (Doh) at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) o local government unit (LGU) bago makabalik.

“Ang mangyayari po riyan, aantayin muna natin po na mag-isyu po ng guidelines ang DoH para sa protocols na applicable kasi ang existing protocols po ngayon ay applicable lamang sa professional,” wika ng opisyal

“Kinakailangan din po yung pagpayag ng either the LGU or SBMA kung saan pinaplanong gawin iyong sports bubble. Sila ang magpapatupad ng health protocols,” dugtong pa ni Roque.

Ihahalintulad aniya ng dalawang liga ang bubble set up ng Philippine Basketball Association (PBA) na matagumpay na nakapagdaos ng Philippine Cup noong October-December. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.