Abante Tonite Interactive

Mga Noypi todo kantiyaw kay Dierker

511

Si Chris Dierker ang bright spot sa Vietnam men’s basketball team, pero kahit ang Vietna­mese-American ay ‘di nagawang mag-isang alpasan ang sobrang lakas na Gilas Pilipinas.

Nambarako ng 19 points si Dierker kaya nanatili sa laro ang Vietnam sa first half, pumasok sa break na iwan lang sa 52-40 sa SEA Games men’s basketball Huwebes ng gabi sa MOA Arena.

Pero pagbalik, minarkahan na siya ng depensa ng Gilas at nalimitahan na sa 9 points sa second half.

Tumapos si Dierker ng game-high 28 points, 9 of 23 mula sa field at 9 of 13 sa free throws.

“We fought hard in the first half,” suma niya tapos. “They came out strong in the second half to mount a big run. We missed some shots and they just pulled away from there.”

Saludo siya sa lakas ng Pilipinos.

“Philippine squad is one of the toughest team in all of Asia,” dagdag niya. “We’re happy we stuck of them in the first half.”

Dahil si Dierker ang pamato ng Vietnam, natikman niya rin ang kantiyaw ng home crowd tuwing nakakahawak ng bola. Okay lang sa kanya ‘yun.

“The crowd, best basketball fans in the world, yeah,” aniyang nakatawa. (VE)