Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga NPA pagbayarin ng danyos sa abuso- NTF-ELCAC

0 346

BILYONG PISO na aabot ang mga babayaran ng New People’s Army (NPA) at maging ng mga opisyales ng Communist Party of the Philippines(CPP) na kapwa tinuturing na mga Communist Terrorist Group(CTG) sa mga atraso, ayon sa tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Miyerkules.

Sa pahayag ni Undersecretary Severo Catura, Executive Director ng Presidential Human Rights Committee Secretariat (PHRCS), ipinaliwanag niyo na sa ilalim na mga lokal man at internasyunal na batas, partikular na ang International Humanitarian Law (IHL), ang sinumang napatunayang nakagawa ng pang-aabuso at pagpapahirap sa gitna ng pakikibaka ay maaaring pagbayarin ng danyos sa kanilang mga nabiktima.

Sa ilalim lamang ng Section 14 ng Republic Act No. 9851, o “Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity”, sinabi ni Catura na kailangang sunduin ng hukuman ang mga prinsipyo sa pagbibigay kabayaran at rehabilitasyon sa mga biktima base sa bigat ng mga nagawa sa kanilang mga nabiktima.

“Naisumite na ng AFP (Armed Forces of the Philippines) ang listahan ng mga atraso ng NPA at CPP at maaari na Ang mga ito ay desisyunan ng hukuman,” dagdag pa ni Catura na sinabi ring kanilang isusulong ang mga kaso sa International Committee olng Red Cross (ICRC) na lagi g kaakibat ng sandatahan sa mahigpit na pagsunod sa IHL, bilang kanilang tunay na tungkulin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.