Abante Tonite Interactive

Mga NSA, Ramirez CDM meeting ulit

100

Maghaharap sa huling ­pagkakataon bago sumabak sa ­labanan ang 56 national sports ­association (NSA) at si Team ­Pilipinas Chef De Mission, Philippine Sports ­Commission (PSC) Chairman ­William ‘Butch’ Ramirez sa ­krusyal na CDM meeting ­ngayon sa Philippine International ­Convention Center sa Pasay.

Sinabi ni Ramirez na aalamin sa pagpupulong ang lahat ng kaganapan sa 56 NSA hinggil sa paghahanda ng mga atleta, hangad na mapanalunang medalya, at mga kompetisyon para sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa ­Nobyembre 30-Disyembre 11.

“Pasensya na muna dahil it will be exclusive,” ani Ramirez sa importanteng pulong. “Bawal muna ang mga representative at tanging ang mga presidente at secretary general lang ang mga dapat na pumunta.”

Isa sa tatalakayin sa maghapong pulong ang kahan­daan ng bawat isang NSA sa kanilang magiging kampanya sa aktuwal na pagsasagawa ng kani-kanilang kompetisyon, ­situwasyon ng mga pambansang atleta at ang kanilang inaasahang mapagwawagian na iba’t ibang kulay ng medalya.

“It will be our last and final meeting with all NSAs before we pursue our campaign in our hosting of the SEA Games. Dito natin malalaman talaga kung ano ang mga medal assessment and projection mismo ng bawat NSAs from their president and secretary general,” panghuling sabi ni Ramirez.

Ipaparada ng Pilipinas ang pinakamalaking delegasyon sa kasaysayan sa pagsali sa SEA Games sapul noong 1977 na bilang na 1,868-katao.

Nasa 1,115 ang mga atleta at ang mga 753 coach at official sa 56 sports na pumapakay ng overall championship sa ikalawang pagkakataon tapos ng 2005 PH SEAG.

Inaasahan ni Ramirez na agad magpapakita ng kanilang lakas ang pambansang koponan sa pagdalo ng lahat sa pagbubukas ng 11-nation, 12-day sportsfest sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. (Lito Oredo)