Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga nuisance candidate dapat parusahan

0 94

Panahon na upang magpatibay ng batas upang maparusahan ang mga taong maging bisyo na ang mag hain Ng certificate of candidacy sa ibat ibang national position tuwing sasapit ang halalan sa bansa.

Masyadong mababaw kasi ang ang kuwalipikasyon sa mga nagnanais na kumandidato basta mamamayang Pilipino at naninirahan sa Pilipinas ng hindi bababa ng 10 taon.

Ginagawa kasing komedya o katatawanan ng ilang indibidwal ang pag hahain ng COC sa comelec samantalang isang napaka seryosong posisyon ang pamumuno sa gobyerno.

Dapat ay hindi na i-entertain ng comelec ang paghahain ng COC na naunang nadeklara ng nuisance candidate habang wala pang batas dito.

Tama ang naunang pahayag ni yumaong Senador Miriam Santiago na dapat ay ayusin ang kuwalipikasyon ng mga magnanais na kumandidato sa anumang posisyon sa gobyerno.

SM food to go Banner Ad

Sa pagpasok nga sa trabaho sa kompanya at binunusisi kung anong kurso o kuwalipikasyon na tutugma sa inaplayang posisyon.

Mas dapat ngang higpitan ang kuwalipikasyon sa pagkandidato sa anumang national position dahil mas mabigat ang resposibilidad nito na nakasalalay ang kinabukasan ng mga Pilipino.

At dapat ay tiyakin ang maayos ang kalusugang pisikal at kaisipan lalo na ang mga nag aambisyon na maging Pangulo ng bansa.

Hindi naman siguro maituturing na diskriminasyon sa mga Pilipinong walang sapat na edukasyon dahil ang mas dapat mangibabaw dito ay ang interes ng buong sambayanan at ang kinabukasan ng mga Pilipino.

Sana naman ay sa paghahain pa lang mg COC ay makita na seryoso ang mga sasabak sa eleksiyon dahil sila ang inaasahang mangunguna sa paglutas sa seryosong problema ng ating bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.