Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga nurse awatin sa pag-abroad

0 94

Nangangamba ang mga pribadong ospital sa bansa na maubos ang mga nurse kapag nagpatuloy ang maramihang pag-alis ng mga ito para magtrabaho sa ibang bansa.

Sa kanyang pagharap sa Laging Handa public briefing kahapon, sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Rene Jose de Grano na marami sa kanila ang apektado sa pag-abroad ng mga nurse.

Aminado naman si De Grano na hindi nila kayang pantayan ang mataas na alok ng mga ospital sa ibang bansa subalit dapat aniyang makontrol ng gobyerno ang paglabas ng mga ito.

“Medyo kinakabahala lagi ng aming mga hanay kasi kami ang unang naapektuhan ng pag-alis ng ating nurses. Siguro dapat lang po na medyo makontrol natin ang paglabas ng ating nurses ng sa ganoon ay hindi tayo maubusan ng ating nurses right now,” ani De Grano.

Noong nakaraang taon aniya nasa 11,000 lang ang mga nurse na nakapasa sa board at kung sa abroad magtatrabaho lahat ng mga ito ay mauubusan ang mga ospital sa bansa.

Sinabi ni De Grano na kung magkakaubusan na ang mga nurse pagdating ng panahon ay magiging limitado na rin ang pag-admit sa mga ospital ng mga pasyente na hindi magandang sitwasyon sa health care system.

“Baka po dumating ang panahon na talagang iyon ang magiging limitasyon ng ating mga ospital sa pag-aadmit ng mga pasyente,” dagdag ni de Grano. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.