Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga nurse nahahatak ng magandang suweldo sa gobyerno

0 270

Kulang ang nurse sa bansa dahil sa maling paraan ng pamamahagi sa kanila.

Halimbawa na lang umano ang 9,000 enlisted nurse sa Philippine National Police (PNP) na hindi naman trabaho ng isang nurse ang ginagawa.

Sa pagdinig ng Senado sa estado ng tulong gobyerno sa mga sektor na tinamaan ng pandemya, sinabi ni Dr. Jaime Almora, presidente ng PHA, ang magandang suweldo para sa mga uniformed personnel ang siyang dahilan kung bakit umalis ang mga nurse sa mga ospital.

Dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nangangamba si Almora na kulangin ang mga healthcare personnel sa mga ospital.

“The sheer number of COVID cases is simply beyond the capability of the existing manpower of the hospitals,” sabi ni Almora.

Ayon naman kay Melbert Reyes, pangulo ng Philippine Nurses Association, marami sa kanila ang piniling magtrabaho sa non-nursing field dahil sa mas magandang suweldo at benepisyo.

“It’s not really the shortage of nurses but the maldistribution. We have nurses in the Department of Education, Bureau of Fire, Bureau of Correction, the PNP and non-nursing fields,” sabi ni Reyes.

“It’s because of the compensation and benefits primarily and it’s because of the value that the government is giving our nurses,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.