Abante Tonite Interactive

Mga nurse nganga pa rin sa umento, DBM kinalampag

307

Naghihintay pa rin hanggang ngayon ng umento sa kanilang sahod ang mga government nurse dahilan upang kalampagin ng isang kongresista ang Department of Budget and Management (DBM).

Giit House Deputy Speaker Mikee Romero, ngayong umatake ang 2019 coronavirus di­sease (COVID-19) ay panahon na upang ibigay ang umento sa mga nurse na siyang pangunahing na­ngangalaga sa mga infected patient.

“It is important that we now finally adjust the compensation for nurses in hospitals run by the national government in the wake of the novel coronavirus (COVID-19) menace. Our nurses play a vital role in attending to infected patients and preventing the spread of the deadly virus,” ayon kay Romero,

Taong 2002 nang maisabatas ang Philippine Nursing Act ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rinh hinihintay ng mga ito ang kanilang mga benepisyong nakapaloob sa batas. (Eralyn Prado)