Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga OFW kailangan sa UAE

0 80

Inihayag ng isang opisyal ng pamahalaan na maraming trabaho ang naghihintay para sa mga overseas Filipino worker (OFW) ngayong dahan-dahan nang nagbubukas ang mga kompanya at negosyo sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE).

Sa isang virtual forum nitong Biyernes, sinabi ni Labor Attache Manuel Dimaano ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na dahan-dahan nang binubuksan ang ekonomiya ng UAE batay na rin sa mga job order na natatanggap nila mula sa mga employer.

Paliwanag ni Dimaano na isang indikasyon ang mga job order request mula sa mga employer o kompanya sa muling pagbubukas ng ekonomiya ng UAE.

Mula aniya Enero hanggang Hunyo ngayong taon ay nakatanggap na sila ng mahigit 4,000 job order galing sa mga kompanya sa UAE.

Leave A Reply

Your email address will not be published.