Abante Tonite Interactive

Mga OFW na kinapitan ng HIV, lumobo

By
981

Lumobo ang bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) na kinapitan ng human immunodeficiency virus (HIV).

Ayon kay ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III, umaabot sa 451 OFW ang na-diagnosed na may HIV mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2018.

Mas mataas aniya ito ng 14.4% kumpara sa naitalang 394 sa kaparehong anim na buwang yugto noong 2017.

“All told, OFWs with HIV now account for 10 percent of all cases in the National HIV and AIDS Registry,” pahayag ni Bertiz.

Mula sa kabuuang 56,275 mga kaso ng tinamaan ng HIV at AIDS mula Enero 1984 hanggang Hunyo 2018, binanggit ng kongresista na 5,889 sa mga ito ay OFW at 86% sa mga ito ay lalake na nasa 30 pataas ang edad.

Umaabot sa 71% aniya o karamihan sa kaso ng mga lalake na dinapuan ng nakamamatay na sakit ay nakuha sa pamamagitan ng pakiki­pagtalik sa kapwa lalake.

“We would urge OFWs who believe that they engaged in high-risk sexual behavior in the past to get themselves voluntarily tested for HIV,” giit ni Bertiz.

Hinimok ni Bertiz ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na buhusan ng resources ang mga diskarte kung paano mapipigilan ang HIV/AIDS at pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga OFW at kanilang pamilya.