Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga OFW, negosyo may werpa kay Loren

0 59

Kasabay ng paggunita ng Labor Day, nanawagan si senatorial candidate Loren Legarda sa pamahalaan na tingnan ang tiyak na pangangailangan ng mga manggagawang Pilipino sa Pilipinas man o nasa ibang bansa, gayundin ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

“May 1 is just a reminder for us to further strengthen our efforts to address the concerns of all Filipino workers and protect their fundamental rights. The celebration of Labor Day is a recognition of the important role that our workers play in sustaining the growth and recovery of our country,” sabi ni Legarda.

Ayon sa tatlong terminong senador, kailangan isulong ang malakas at tuloy-tuloy na legislative agenda para sa mga overseas Filipino worker sa kabila ng patuloy nilang iniindang hirap habang nakatira at nagtatrabaho sa ibang bansa.

Hinimok din ni Legarda ang pamahalaan na magbiday ng sapat na legal assistance sa mga OFW, palakasin ang repatriation program, at gumawa ng programa para sa mga OFW na nawalan ng trabaho, kabilang ang entrepreneurial opportunities, skills mapping at iba pa.

Bilang sponsor ng International Labor Organization (ILO) Convention 189 at co-author ng Domestic Workers Act, muling nanawagan si Legarda na kilalanin ang ‘unpaid care’ at ‘domestic work’ sa bansa.

“Aside from domestic workers which is one of the lowest paid workers and are usually subjected to poor working conditions such as longer hours of work but no overtime pay and lack of social benefits, we should also give importance to the current situation of unpaid care work in Filipino homes,” ani Legarda.

Dapat din aniyang bigyan ng gobyerno ng kapangyarihan ang mga micro, small and medium enterprise (MSME) para makapagbigay ng marami pang job opportunityat matugunan ang kawalan ng trabaho sa bansa.

Bilang co-author ng Magna Carta for Micro, Small, and Medium Enterprises, kailangan din aniyang alalayan ng pamahalaan ang mga MSME program dahil ito ang malakas na platform sa pagsulong ng rural livelihood, cultural preservation, socio-economic empowerment ng mga indigenous people, at environmental protection.

“Marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho at kabuhayan dulot ng epekto ng pandemya sa ekonomiya. Hindi natin maaaring ipagsawalang-bahala ang daing ng ating mga Pilipinong manggagawa na nawalan ng trabaho matapos magsara ang ilan sa mga industriya,” ayon kay Legarda.

“Kaya ang isa sa maaari nating kasagutan ay paigtingin ang pagpapalakas ng ating mga MSME. Bigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na magkaroon ng kabuhayan para na rin magkaroon ng dagdag na oportunidad sa trabaho,” sabi pa ni Legarda. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.