Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga OFW stranded sa bagal ng swab test

0 119

Doble ang kinakaharap na kalbaryo ngayon ng mga umuwing overseas Filipino workers (OFW) matapos itigil ng Philippine Red Cross (PRC) ang swab test sa kanila dahil sa halos P1 bilyong utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Labor and Employment Secretary (DOLE) Sec. Silvestre Bello III na dahil sa pagtigil ng serbisyo ng PRC ay bumagal din ang proseso ng COVID test sa mga OFW.

Kung dati aniya ay nasa 1,000 hanggang 3,000 ang nasusuri kada araw, ngayon halos nasa 300 na lamang. Kaya maraming OFW aniya ang hindi kaagad makauwi sa kanilang mga probinsiya at nagtatagal sa mga hotel na pinagdalhan sa kanila ng gobyerno dahil hindj agad mailabas ang resulta ng swab test.

(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.