Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga OFW unang bibigyan ng bakuna card

0 55

Prayoridad ng pamahalaan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na mabigyan ng COVID-19 vaccine certificate.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang pahayag kaugnay ng nakatakdang paglulunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng National Digital Vaccine Certificate o VaxCertPH ngayong Lunes, Setyembre 6, matapos bigyan ng go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay Roque, prayoridad sa inisyal na implementasyon ng vaccine certificate ang mga OFW at iba pang Pilipino sa Metro Manila at Baguio na papunta sa ibang bansa.

“It will later be opened to the general public and for other purposes at a later time,” ani Roque. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.