Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga online seller inabisuhan sa data privacy

0 233

Nagbabala ang National Privacy Commission (NPC) sa mga online seller na pangalagaan ang datos ng kanilang mga kustomer matapos na magamit ito para magpadala ng mga produkto.

“We call on owners and operators of online stores to adopt best data privacy practices and to always observe compliance with the Data Privacy Act,” sabi ni NPC Commissioner Raymund Enriquez Liboro.

Pinayuhan din niya ang mga online shopper na laging basahin ang privacy notice ng app bago makipagtransaksiyon t parating gumamit ng kakaibang user name at malakas na password para sa mga shopping account.

Isa pang tip ng NPC, bumili lamang sa mga lehitimo at mapagkakatiwalaang shopping website at parating tingnan ang URL (Uniform Resource Locator) at siguruhing may padlock ito sa image. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.