Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga opisyal ng BJMP, babaeng preso sumailalim sa swab test

0 214

Sumailalim sa swab test ang mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) pati ang mga babaeng preso sa Pasay City Jail kahapon ng umaga.

Kasama sa nagpa-swab test sina Deputy warden J/Sr. Insp Orlando Alicante at ilan pang tauhan ng jail.

Kasunod nito ay isinalang naman sa pagsusuri ang mahigit 100 babaeng preso sa nasabing bilangguan.

Noong nakaraang linggo, tatlo ang nagpositibo sa Covid test mula sa female dorm ng jail facility.

Ayon kay Alicante naka-isolate na ang inmate at dalawang jail personnel na nakatalaga sa dormitoryo sa Cuneta Astrodome at World Trade isolation facility.

Binakante na rin ang selda sa female dorm kung saan nakapiit ang nag-positibong inmate. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.