Abante Tonite Interactive

Mga opisyal ng gobyerno sa ₱8.7B right-of-way scam, kasuhan – Gordon

0 2,225

Nanawagan si Se­nator Richard Gordon sa Department of Justice (DOJ) na sampa­han ng kaso ang mga tiwaling opisyal ng Land Registration Authority (LRA) at iba pang ahensiyang sangkot sa P8.7 bilyon road right-of-way (ROW) scam.

Paniwala ni Gordon, ang anomalya sa ROW scam ay kagagawan ng isang sindikato na kinabibilangan ng mga opisyal ng LRA at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pamamagitan ng pagpeke sa ROW claims gamit ang mga pekeng land title.

“I call on DOJ Secretary (Menardo) Guevarra to conduct a tho­rough investigation on the LRA regarding the modus operandi of falsifying documents that has been ingrained in the system of land title registration,” sabi ni Gordon.

Ginawa ng senador ang panawagan sa pagpapatuloy ng pagdinig sa ROW scam kabilang ang kaso ng konstruksiyon ng four-lane 33-kilometer highway sa General Santos City noong 2013. Ang pagdinig ay bunsod ng inihaing resolusyon ni Sen. Manny Pacquiao na naunang nagsiwalat sa na­sabing raket kung saan umano’y nakinabang ang ilang opisyal ng gobyerno.

Nauna nang ibinunyag ni Pacquiao na may 167 na nakabinbin na ROW claim sa Gene­ral Santos City na nagkakahalagang mahigit P5.6 bilyon. Ang ROW budget ng DPWH ngayong taon ay P18 bilyon.

Samantala, hiniling din ni Gordon sa DOJ na magpatupad ng bala­sahan sa mga opisyal ng LRA para mahinto na ang nasabing raket.

“If the LRA is not revamped, the public will lose trust on the most important pillars of business and property ownership which is the title,” dagdag pa nito.