Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga opisyal ng NTF-ELCAC target ng NPA – Esperon

0 252

Napigilan umano ng mga sundalo ang plano sana ng mga terorista na patayin ang mga opisyal ng gobyerno sa security sector, kasama ang itinuturing na “talking heads” ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang ibinunyag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kasunod ng nangyaring shootout sa Sta. Rosa City, Laguna na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong miyembro umano ng New People’s Army (NPA) hit squad.

“One of their missions is to hit NTF-ELCAC talking heads. However, they were pre-empted. Our gratitude to our partners in NTF-ELCAC, including members of the armed forces and the police,” sabi ni Esperon, vice chairman ng NTF-ELCAC.

Pinuri naman ni Esperon ang mga miyembro ng 4th Intelligence and Security Unit at ang 14th Army Intelligence Battalion, ang 202 Brigade ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, ang Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), Regional Intelligence Unit-4 at Laguna Police Provincial Office dahil sa natunugan umano ang galaw ng mga ito at naging matagumpay ang kanilang operasyon.

Hindi naman sinabi sa report ng NTF-ELCAC kung sino ang mga opisyal ng gobyerno na target ng rebeldeng grupo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.