Abante Tonite Interactive

Mga opisyal ni Secretary puro contractual

247

Dismayado na raw ang mga opisyal ng isang kagawaran dahil hanggang ngayon ay contractual pa rin sila.

Simula kasi nang in-appoint sila noong 2016, wala pang lumalabas na papel para sa kanilang official assignment.

Wala daw pinagkaiba ang status nila sa mga empleyado ng shopping mall magnate na puro contractual ang mga sales lady kaya laging nae-endo o end of contract.

Ang lamang lang nila, laging nare-renew ang kanilang kontrata sa ahensiya.
Kahit malakas ang kanilang boss sa Palasyo, mahina naman ito sa pag­lakad ng mga papeles kaya’t hanggang ngayon ay contractual pa rin ang kanyang mga opisyal.

Clue. Ang Cabinet secretary na napapaligiran ng mga contractual na opisyal ay bihirang ngumiti at may letrang M sa kanyang pangalan.