Abante Tonite Interactive

Mga opisyal sa sports imbiyerna kay Hidilyn

1,418

Buwisit ang mga sports official sa isyu ng paghingi ng tulong sa sambayanan at mga kompanya ni 2017 Rio de Janeiro Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz para sa asam na mag-qaulify sa 2020 Tokyo Summer Games.

Nagtataka sila na sa pagbaha ng insentibong milyones niyang napasakamay mula sa nasabing quadrennial meet, 2018 Indonesia Asian Games, 2017 Turkmenistan Asian Indoor and Martial Games at iba pang pinanalunang mga kompetisyon, malaking ang tulong natanggap niya sa gobyerno.

Pero nag-post sa socmed at nanawagan sa isang talakayan sa pinansiyal na tulong ng ibang tao at mga pribadong kompanya para suportahan siya pa-Tokyo Olympics.

Gulantang mga sports officials at agad naghanap ng kasagutan sa binibigay na pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) kay Diaz.

“I think she is being badly advised by someone and her accolades have gone to her head so so so sad that she does not appreciate everything that PSC has done for her,” bulalas ni Gymnastics Association of the Philippines secretary general Bettina Pou.

“I believe there is someone orchestrating her. If you look at the pattern, lahat ng mainstream same ang story. Parang Lenism statement.
Sabay-sabay. She is used and she is allowing it. Matanda na siya to know these things and to weigh what is detrimental to her and PSC. Nakakagalit lang, but I guess there is a voice in her head. Di naman siya ganyan dati.”
Sinisi ni Philippine Volleyball Federation president Edgardo Cantada ang mga handler ni Diaz at nalungkot sa ginawi nito sa kabila na naging milyonaryo na sa mga pabuyang galing sa PSC.

At dinepensa naman ni former athlete at ngayo’y coach Lori Mendoza ang kasalukuyang liderato ng PSC sa pangunguna nmi Chairman William Ramirez. Giniit na wala sa kalingkingan ang mga ginagawa nito kaysa sa dating administrasyon ng government sports agency na pinamumunuan noon nni Ricardo Garcia. (Lito Oredo)