Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga ospital kasado sa monkeypox outbreak

0 61

Naghahanda na ang mga ospital sa bansa sakaling magkaroon ng monkeypox outbreak.

Inilahad ito ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) president Dr. Rene Jose de Grano sa kabila aniya na wala pa namang naiulat na kaso ng monkeypox sa bansa.

“Binabantayan po natin diyan ay fever, muscle pain, pagkakaroon ng kulani at rashes na typical sa supposedly na monkeypox,” ayon kay De Grano sa Laging Handa public briefing kahapon.

Sinabi pa ni De Grano na naghahanda na rin ang lahat ng local government unit sa sandaling magkaroon ng kaso ng monkeypox sa bansa para kaagad na pigil ito.

Sa sandaling may ma-detect na kaso ng monkeypox, agad na ilalagay ang indibiduwal sa isolation facility para mabigyan ng kaukulang lunas dahil wala pang bakuna laban sa naturang sakit sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.