Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga ospital sa Samar bokya sa Philhealth

0 397

Tinawag kahapon ni Eastern Samar Gov. Ben Evardone na paasa at puro dakdak lang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos niyang ibunyag na mahigit 40 ospital sa Eastern Visayas ang bokya at hindi nagtatamasa ng benepisyo mula rito.

Ayon kay Evardone, may 86 ospital mula sa Eastern Visayas na kanilang kinabibilangan ang lumagda sa Letter of Undertaking (LOU) at Memorandum of greement (MOA) sa pagitan ng PhilHealth para magkaroon ng akreditasyon sa serbisyong medikal pero mahigit sa kalahati nito ay pawang mga pribadong ospital lang.

Lumitaw din sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ng PhilHealth na umaabot sa P858,916,215.41 ang inaprubahan ng PhilHealth para sa advance payment sa mga pribadong ospital simula noong Marso hanggang Mayo ng taong ito at P505,534.201.70 na ang naipalabas nila sa loob din ng nasabing panahon.

Nais ng governor na maimbestigahan ito upang matukoy kung may nagaganap na sabwatan sa pagitan ng ilang hospital authorities at PhilHealth tulad ng talamak na kaso ng mga ghost patient para sa PhilHealth claims. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.