Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga paalala para makaiwas sa aksidente

0 33

Pansin niyo rin ba guys na napapadalas ang malalagim na aksidente sa mga lansangan?

Ang matindi pa nito, kadalasang sa gabi nagaganap ang mga grabeng sakuna kaya ang mas mababa ang tsansang makaligtas ng mga sakay ng mga sasakyan na nadadamay sa mga ganitong nakapanghihilakbot na pangyayari.

Isa sa pinakabagong halimbawa nito ay ang naganap kamakailan lamang sa bayan ng Tagkawayan, Quezon, kung saan, anim katao ang namatay nang magbanggaan head-on ang isang arkiladong Nisaan Urvan van at dambuhalang HOWO trailer truck.

Kung pagkukumparahin ang Nissan Urvan at HOWO trailer truck, talagang dehadong dehado ang van kung laki at tangkad din lang naman ang pag-uusapan.

Ayon sa mga report, nag-overtake ang van sa sinusundan nitong sasakyan pero hindi agad nakabalik sa lane kaya inabot ng trak na nakatodo naman ang buwelo.

Bilang nagmamaneho noon pang 1996 hanggang sa kasalukuyan at halos lahat ng uri ng kalsada dito sa Pilipinas ay nadaanan ko na rin at maging ang ilang bahagi ng Europa, maraming puwedeng gawin ang isang driver para maiwasan ang ganitong uri ng malalagim na aksidente.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya hayaan ninyo na bigyan ko kayo ng ilang tips na maaring ninyong gawing batayan upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

1. Maging kalmante sa pagmamaneho- Ang malayuang biyahe ay dapat na may kaakibat na mahabang pasensiya lalo pa nga kung ang pupuntahan ay lugar na hindi mo masyadong kabisado ang ugali ng mga daan. Sa pinangyarihan ng aksidente ng HOWO truck at Nissan Urvan ay dalawa ang katangian ng kalye, paliko-liko at paalon (paahon at palusong) kaya napakahalagang gumamit ng mahabang pasensiya.

2. Kabisaduhin ang ugali ng minamanehong sasakyan- Ang Nissan Urvan na sangkot sa aksidente ay ang unang modelo.
Bagama’t matibay ang makina at malamig ang aircon, hindi ito puwedeng gamitin sa basta-bastang overtake gaya ng mga mas bagong modelo at ibang brand na kauri gaya ng Toyota Hi-Ace. In short under power ang unang Nissan Urvan.

3.Tantiyahin ang kakayahan ng sasakyang sinusundan- Sa ganitong obserbasyon, maihahanda mo ang sarili at minamanehong sasakyan kung paano makakatiyempo para siya ay maunahan, pero kung kapareho nang sa dinadala mo ang sinusundang sasakyan at kayo ay nasa pakurbang daan, mas sigurado ka sa kaligtasan kung susundan mo na lang siya lalo pa’t pareho naman kayong tumatakbo ng matulin.

4. Tingnan ang ruta- Dahil tayo ay nasa mundo na ng digitization, available na online ang mga kalsadang dadaanan sa pagpunta sa isang lugar. Noong nag-uumpisa pa lamang ang internet, ang ginagawa namin bago ang malayong biyahe ay magtanong muna sa Department of Tourism at DPWH dahil tanging sila lamang dati ang may alam sa aktuwal ng kondisyon ng mga lansangan lalo na sa mga pinapasyalan sa labas ng mga lunsod at sa malalayong probinsiya.

So yan na lang muna guys! Sana ay natulungan kayo ng mga munting tips na aking ibinahagi batay sa personal na karanasan sa humigit-kumulang na 25 taon nang paghawak ng manibela.
Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.