Abante Tonite Interactive

Mga pagawaan, tindahan ng paputok ginalugad

132

Inikot ng mga opis­yal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang mga pagawaan at tindahan ng paputok at pailaw upang masiguro na mataas ang kalidad ng mga ito at hindi mapanganib ang mga produktong ibinebenta sa publiko.

Nabatid kay Bulacan police provincial director Emma Libunao na sa kasalukuyan, mayroong 92 mga tindahan at 24 na pagawan ng paputok at pailaw ang rehistrado at binigyan ng permit.

Kabilang sa mga pagawaan at tindahan na isinailalim sa inspeksyon ng mga awtoridad sa Bulacan ay ang mga matatagpuan sa San Rafael at Bocaue.

Nakiusap naman si Lea Alapide, pangulo ng Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association na tulungan ang kanilang industriya.

Giit nito, wala silang intensyon na makasakit at pinapayuhan din nila ang mga buyer ng wastong pagdadala at paggamit ng mga pailaw at paputok. (Jun Borlongan)