Abante Tonite Interactive

Mga pagbabago sa PBA kaabang-abang

255

May mga bagong player na isasahog sa mga establisadong star ng PBA. Binago rin ang dating rules.

Mga ilang pagbabago sa papasok na 44th season para makahatak pa ng fans sa playing venues.

May mga hakbang din na baguhin ang PBA constitution and by-laws hinggil sa removal ng commissioner — ang pangunahing dahilan kaya nagkaroon ng pagkakahati-hati ang representatives noong nakaraang season.

Asahan na rin ang breaks sa kasagsagan ng season para bigyang-daan ang FIBA World Cup Asian Qualifiers hanggang sa tournament proper sa China sa August sakaling makapasok ang Pilipinas.

Ilang players ang posibleng ipahiram sa national team na sasabak sa SEA Games na iho-host ng bansa sa November.

Sa pre-season press conference sa Conrad Hotel sa Pasay City kahapon, siniguro nina commissioner Willie Marcial at chairman Ricky Vargas na maglalatag ang liga ng mga hakbang para ibalik ang interes ng fans na manood sa venues.
“The challenge for us remains the same, how to get the people interested in coming to the games especially in eliminations phases,” ani Vargas.

Hindi kontrolado ng liga ang ilang aspeto na nakakaapekto sa gate attendance dahil sakop nito ang marketing, traffic papuntang venues, pati ang ekonomiya.

“Some outside factors are really beyond our control, but we will continue to make it interesting for the fans and give them more reason to come to the venues,” dagdag ng TNT governor.

Kinuha ng PBA ang Excite! marketing firm na pinangungunahan ni Angelo Serrano para humawak ng in-game activities.
Babasagin ng Ginebra at TNT KaTropa ang hostilidad ng 2019 season sa lone game sa opening day ng Philippine Cup sa January 13 sa Phi­lippine Arena.