Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga pagpipilian sa presidentiable

0 95

Nasa ika-anim na araw na ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga tatakbo sa mga mataas na posisyon ng gobyerno, gayundin ang mga senador at mga party-list group.

Ang pinakaabangan diyan ay kung sino-sino ang mga sabak sa presidential at vice presidential race para sa May 2022 election. Iyong iba given nang tatakbo dahil maaga pa lang nagdeklara na ng kanilang intensiyon tumakbo sa top position sa pamahalaan.

Siyempre nauna sa listahan si Senador Manny Pacquiao, na pagkatapos matalo sa kanyang huling laban sa boksing, ay nagdeklara na gusto niyang tumakbo sa pagpa-panguol, bitbit ang pangakong susugpuin ang katiwalian sa pamahalaan. Running mate niya ang long-time loyalist na si Rep. Lito Atienza.

Hindi rin nagpaawat ang dating aktor at Manila Mayor Isko Mayor Isko Moreno na tumakbo nag-file din ng COC sa pagka-president ilalim ng Aksyon Demokratiko party. Ka-tandem ni Isko si Dok Willie Ong na dating tumakbo sa pagka-senador noong 2019 subalit natalo.

Siyempre anndiyan din ang tambalan ng mga beteranong politiko na sina Senador Panfilo Lacson [Partido Para sa Demoraktikong Reporma] at Senate President Vicente Sotto [Nationalist People’s Coalition] na siyang naunang nageeklara nang pagtakbo sa mataas na posisyon sa bansa sa 2022.

Hindi rin nagpahuli si dating Senador Bongbong Marcos [Partido Federal ng Pilipinas]. Natalong noong 2016 kay Vice President Leni Robred by slim margin, heto’t nag-level up na siya at pagka-pangulo ang inaaasam.

SM food to go Banner Ad

Apat na ‘yan. May iba ang pagpipilian? Meron pa. Andiyan pa rin sa Robredo na inindorso na opposition coaltion,1Sambayanan para tumakbo sa pagka-pangulo, bagama’t hindi pa siya nakakapagdesisyon kung tutuloy o hindi.

Sabagay may ilang araw pa bago ang huling araw ng paghahain ng COC at malamang tumakbo rin si Robredo bilang kinatawan ng opisisyon, ang Liberal Party (LP).

Pero hindi rin dapat isantabi si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio. Bagama’t naghain na siya ng COC sa muling pagtakbo bilang mayor ng Davao, malaki pa rin ang posibilidad na maging presidential candidate pa rin siya ng PDP-Laban.

Hindi ba’t nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasabak sa presidential race ang kanyang anak at magiging running mate niya ang kanyang dating presidential aide at ngayo’y Senador Bong Go. Bagama’t si Mayor Sara ay nasa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago puwede naman siyang sumanib sa PDP-Laban na partido rin ng kanyang ama.

Sa ngayon, apat ang opisyal na tatakbo sa pag-pangulo. Kung tumuloy sina Robredo at Mayor Sara, magiging Magic 6 na sila. Matagal pa pa ang eleksiyon at may pagkakataon pa ang lahat na kilatisin ang mga kandidato.

Alalahanin na nakasalalay ang kinabukasan ng bansa sa boto ng mamamayan kaya nararapat lang na suriing mabuti ang kakayahan, kaalaman at mga programa ng bawat kandidato at huwag bumase sa kanyang kasikatan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.