Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga papasok na estudyante mag-ingat sa kriminal – PNP

0 110

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa pagbibigay ng seguridad sa napipintong pagbabalik ng face-to-face classes sa Metro Manila matapos na bigyan ng go signal ang Department of Education (DepEd) para sa pilot implementation sa Disyembre 6.

Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, ipinag-utos na niya sa kanyang kapulisan ang pagbibigay ng karagdagang atensiyon sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region (NCR) na sinisipat na bubuksan na.

“The PNP will secure a final list of the participating schools so I can order the chiefs of police in those areas to plan for their deployment to ensure security in these school premises.”

Samantala, naging aral din umano sa PNP ang mga nag-viral na litrato at video hinggil sa presensiya ng ilang pulis na may nakasukbit na mahahabang armas habang nasa loob ng classroom sa unang araw ng in-person classes sa Pangasinan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Carlos, ang pulis ay dapat nagbibigay ng seguridad at katahimikan sa isang lugar, hindi ‘yung pakalat-kalat sila sa loob ng paaralan na may dalang baril. Kailangan din aniyang limitado lang ang presensiya ng mga pulis sa loob ng school compound maliban na lang kung magkakaroon ng emergency o kaya ay humihingi ng police assistance ang pamunuan ng eskuwelahan.

“Schools are zones of peace and we will acknowledge that. Much has been done to orient our personnel regarding this policy.”

Pinayuhan naman ni Carlos ang mga estudyante na maging maingat at mapagmatyag laban sa mga masasamang loob na naglipana sa paligid ng mga eskuwelahan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.